-- Advertisements --
Nanawagan si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa publiko na tulungan ang gobyerno sa paglaganap ng magandang benepisyo kapag nagpaturok ang isang tao ng bakuna kontra COVID-19.
Sinabi ng kalihim na sa nasabing paraan ay lalong maraming mga mamamayan ang mahihikayat na magpabakuna laban sa COVID-19.
Patuloy din ang panawagan nito sa mga mamamayan ng pagsunod sa ipinapatupad na health protocols.
Base kasi sa OCTA research na mayroong 19% na mga adult Filipino ang nais lamang na magpabakuna sa COVID-19 habang 46% ang natatakodt dahil sa panganib umano na dulot nito.