-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Ibinunyag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar na siya ang pinili ni Pangulong Rodrigo Duterte na manguna sa makasaysayang Cabinet Officer for Regional Development and Security (CORDS) sa rehiyon.

Nasa Cagayan de Oro City ang kalihim upang makipagpulong sa mga miyembro ng Regional Peace Development Council, 10 ng mga miyembro ng Regional Task Force in Local Communist Armed Conflict.

Sinabi ng kalihim na magaganap ang pinaka-una at “historic” meeting ng buong miyembro ng CORDS sa Malaybalay City Bukidnon, bukas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cagayan de Oro, inihayag ni Andanar na kabilang sa dadalo sa pulong ay ang mga kalihim ng Department of Social Welfare and Development, Department of National Defense, at maging ang co-national chairman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, at Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Kabilang sa magiging sentro ng pagtitipon ang usaping pangkapayapaan o peace agenda ng Duterte administration.

Ayon kay Andanar, tututukan ng nabuong task force ang implementasyon ng mekanismo para sa “localized peace talks” sa loob ng anim na buwan, pagbibigay ng basic services at social development packages sa mga identified conflict-affected areas.