-- Advertisements --
andanar
Sec. Andanar

CAGAYAN DE ORO CITY – Hinikayat ngayon ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang publiko na labanan ang naglipana na mga disinformation news articles kaugnay sa nalalapit na halalan sa bansa sa Mayo 13,2019.

Ito ay matapos kalat sa social media ang mga impormasyon na sume-sentro na sisiraan ang mga kandidato upang hindi makahatak ng suporta mula sa mga botante.

Ginawa ni PCOO Secretary Martin Andanar ang apela kaugnay nang paglilibot nila sa mga syudad sa buong bansa upang labanan ang nasa likod ng fake news na ibinato rin ng mga kritiko ng gobyerno upang ipahiya ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Andanar kung hindi sigurado ang social media netizens sa mga natanggap na mga impormasyon,kailangang maingat ito upang makaiwas na malagay sa alanganin dahil peke at pangugulo lamang ang pakay nito.

Si Andanar ay humingi ng tulong sa media upang mapaabot ang mensahe ng gobyerno para mawawalan ng puwersa ang ilang tao na nasa pagkakalat ng news disinformation.