-- Advertisements --
PDL

Inihayag ng Bureau of Corrections na target nilang dalhin na lamang sa loob ng bilibid ang mga PCOS machine na gagamitin upang makaboto ang mga Persons Deprived of Liberty ngayong 2023 Barangay Elections.

Ayon yan BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., ito ay upang hindi na kailanganin pa ang pirmiso ng kanilang kawanihan upang makalabas ang mga ito para makaboto.

Paliwanag ng opisyal tanging mahigit isang libo lamang na mga inmate ang eligible na makaboto mula sa mahigit 30k na bilanggo ss bilibid.

Ito ay mga rehistradong botante sa lungsod ng Muntinlupa .

Bukod dito,sila  ay wala pang pinal na hatol sa kanilang mga kasong kinakaharap at nagpapatuloy pa rin ang paglilitis ng korte dito.

Una nang sinabi ni Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia na ang mga nasabing bilang ng mga inmate ay may karapatang makaboto ngayong Barangay Elections.

Ito rin aniya ang unang pagkakataon na makaboboto ang mga PDL matapos ipagpaliban ang BSKE.

Inalis na rin ng korte suprema ang temporary restraining order sa pagboto ng mga bilanggo sa lokal na halalan.