Nagpasalamat ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting at National Movement for Free Elections matapos na makakuha ito ng greenlight mula sa Commission on Elections para magsilbing citizens arm ng poll body para sa gaganaping 2025 midterm elections.
Sa Resolution No. 24-0382 na inilabas ng Comelec en banc, binigyan nito ng “continuing accreditation” ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting at National Movement for Free Elections
Ayon sa Comelec, matapos aniya ang deliberasyon kaagad nitong narisolba ang pag apruba sa continuing accreditation ng dalawang grupo.
Gayunpaman, binigyang-diin ng Komisyon na ang dalawang poll watchdog ay kinakailangang sumunod sa mga kinakailangang isumite, na kinabibilangan ng pagsusumite ng kumpletong listahan ng mga opisyal, kabilang ang kani-kanilang mga provincial, municipal, at city coordinators o ang kanilang katumbas.
Ang dalawa ay inaatasan din na magsumite ng komprehensibo o detalyadong mga plano ng aksyon at mga aktibidad na humahantong sa 2025 election.
Panghuli, inaasahang mag-uulat din ang PPCRV at Namfrel ng kanilang mga nagawa at rekomendasyon pagkatapos ng bawat ehersisyo sa elektoral.
Kung maaalala, noong Setyembre 2022, ang Comelec ay nagbigay din ng akreditasyon sa PPCRV at Namfrel para sa lahat ng electoral exercises bago ang May 2025 polls.