-- Advertisements --

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa pagbaril-patay sa board secretary ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Wesley Barayuga.

Sinabi ni PCol. Hector Grajaldo, hepe ng Mandaluyong PNP, batay sa paunang imbestigasyon ay pauwi na raw si Barayuga sakay sa kanyang sasakyan nang barilin ito ng suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Posibleng sinundan umano ng salarin si Barayuga na galing sa punong tanggapan ng ahensya.

Base naman sa nakuha ng CCTV footage, tinabihan daw ng suspek ang government car kung saan sakay ang biktima at binaril sa passenger side.

Isinugod naman daw sa pagamutan ang driver ng opisyal.