Nilinaw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na may sapat na pondo ang ahensya para ituloy ang lahat ng charity services nito sa publiko.
Ito’y sa gitna ng pagtalima ng PCSO na isang GOCC (Government-Owned and Controlled Corporations) sa ilalim ng Office of the President sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang lahat ng gaming activities hangga’t wala pang bagong abiso.
Ayon kay PCSO general manager Royima Garma, patuloy na magagamit ng publiko ang Individual Medical Assistance Program (IMAP) sa Lung Center of the Philippines sa Quezon City at sa lahat ng branch sa bansa.
Sa ngayon aniya, ginagamit ng tanggapan ang pondong nalikom nila noong nakaraang taon para sa mga programa sa kawang-gawa at tiyak na sapat ang naturang pondo hanggang matapos ang 2019.
“Being a GOCC directly under the Office of the President, will continue to abide by the directive of President Duterte to suspend all its gaming activities, until further notice.”
“The PCSO immediately implemented the suspension last Saturday, July 27, 2019, wherein all Lotto and KENO terminals were automatically disabled at the Main Data Center of our system providers.”
“May we inform the public that our Individual Medical Assistance Program (IMAP) services at the Lung Center of the Philippines in Quezon City and all PCSO Branch Offices nationwide will still be available today onwards, unless otherwise instructed.”
Habang ang nalikom naman daw nilang revenue nitong 2019 ay gagamitin para sa susunod na taon.
Aminado si Garma na aabot sa P50 milyon na kita mula sa lotto tickets ang malulugi sa kanila kada araw dahil 30 porsiyento mula rito ang napupunta sa charity fund.
“For those who are holding winning Lotto and KENO tickets, prizes can still be claimed at the PCSO Head Office, Conservatory Building, Shaw Boulevard in Mandaluyong City from 8:15 a.m. to 4:30 p.m., Monday to Friday.”
“(We) support the decision of our dear President in eradicating corruption and illegal gambling activities. The Agency programs, projects and activities are aligned to the objective and goal of our national government.”
Samantala, nilinaw ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na wala pa silang natatanggap na utos para tulungan ang mga benepisaryo ng PCSO.
Ayon sa PAGCOR, pag-aaralan pa rin daw ng kanilang tanggapan sakaling irekomenda ang pag-take over sa PCSO beneficiaries.
Sa ilalim kasi ng Universal Healthcare Law, 50 porsiyento ng kontribusyon ng PAGCOR sa National Treasury ang mapupunta sa pondo ng batas.