-- Advertisements --

Pinag-iisipan na raw ng Malacañang kung anong tulong ang maaari nitong ipaabot para makabawi ang mga empleyado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na naapektuhan kasunod ng suspensyon kamakailan sa gaming schemes nito, kasama ang lotto.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Salvador Panelo, pinag-aaralan na raw ni Pangulong Rodrigo Duterte kung anong aksyon ang maaari nitong gawin sa sitwasyon.

Nitong Lunes nang unang sabihin ni Panelo na walang government intervention sa mga pansamantalang nawalan ng trabaho at pangkabuhayan sa PCSO.

Pero ayon sa tagapagsalita ng pangulo, tiyak na may gagawing hakbang ang palasyo para mabawi ng mga apektadong empleyado ang hindi nila kinita sa mga nakalipas na araw.

Ngayon ang ikalimang araw ng suspensyon sa operasyon ng PCSO games maliban sa lotto na pinabalik muli ng presidente.