LEGAZPI CITY – Umaasa ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na makakapag-full blast na ng operasyon sa lotto at small town lottery sa susunod na linggo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PCSO Board Member Sandra Cam, nasa ikalimang araw na sila ngayon ng “catch-up draws” na pinasimulan noong Lunes, Hulyo 20.
Kabilang sa mga ito ang mga nabinbing taya bago pa man ang lockdown.
Mauunang bubuksan ang mga lotto outlets bago ang STL kung saan hangad ng opisyal na magtuloy-tuloy na upang makahabol sa revenue collection matapos ang halos limang buwan na pagkatengga ng mga laro dahil sa lockdown.
Nakasalalay rin umano kasi sa mga laro ang ipang-aayuda sa mga kababayang nangangailangan.
Paalala lamang ng tanggapan ang mahigpit na pagsunod sa health protocols ng mga outlets at mananaya lalo na sa social distancing at pagsusuot ng face mask at face shield habang hinihinging sumailalim muna sa swab test ang mga lotto agents at kahera.