-- Advertisements --

Handa umano ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na maimbestigahan dahil sa umano’y talamak na kurapsyon na nangyayari sa kanilang ahensya.

Kasunod ito sa pagpapanumbalik ng operasyon ng Lotto games ngayong Miyerkules matapos ang ilang araw na suspensyon sa gaming schemes ng ahensya dahil sa umano’y malawakang kurapsyon.

“Corruption, napakalawak po ng definition. I will leave that to the investigators. Ang parameters ko, I was able to achieve my goals. Our office is open sa lahat ng klase ng investigation,” wika ni PCSO General Manager Royina Garma.

“While investigators are validating the report, ako po ay gagawa din ng trabaho na alamin paano i-improve ang proseso ng games namin para maging more transparent,” dagdag nito.

Una nang ipinag-utos ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation na siyasatin ang umano’y katiwalian sa PCSO.