Tinatayang kalahating milyon ang nawawala sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kada araw dahil sa mga nakasenlang ticket.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means sa pangunguna ni Senador Raffy Tulfo, sinabi ni Philippine Online Lotto Agents Association President Evelyn Javier na nahirapan ang mga ahente mula nang tanggalin ang kanselasyon.
Sinabi ni PCSO general manager Mel Robles na nasaksihan ng ahensya ang isang branch kung saan mas maraming kanselasyon kumpara sa aktwal na transaksyon.
Nang tanungin ni Tulfo kung ano ang maaaring dahilan ng mga kanselasyon na ito, sinabi ni Robles na maaaring nasa antas ito ng teller.
Gayunpaman, sinabi ni Javier na hindi ito ang kaso para sa bawat ahente.
Ani javier, nakagagawa ang mga empleyado ng kamalian o maaaring ang card ay marumi kung saan ang card ay hindi na pwede kanselahin kaya naman ibinabalik ang bayad sa mananaya.