-- Advertisements --
GARMA
PCSO CHAIR ROYINA GARMA

Tumanggi munang magbigay ng anumang reaksyon si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Royina Garma sa naging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang nasabing lahat ng gambling operasyon ng PCSO.

Sinabi ni Garma sa Bombo Radyo, nakatakda siyang makipag-usap sa Pangulo para malinawan ang nasabing kautusan.

Nauna rito, ipinag-utos ng Pangulong Duterte ang pagpatigil sa lahat ng gambling operation ng PCSO.

Una anng itinalaga noong buwan ng Hunyo ni Pangulong Duterte si Cebu City police Col. Garma bilang bagong general manager ng PCSO kapalit ni dating retired Marine General Alexander Balutan na tinanggal noong Marso.

Ang paghirang kay Garma bilang bagong PCSO chief ay kahit hindi pa ito retirado sa kanyang serbisyo sa PNP.