-- Advertisements --

Humingi nang paumanhin si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa mambabatas dahil sa bigo nilang mabigyan ng financial asisistance ang COVID-19 hospital sa Misamis Occidental.

Nagbunsod ito sa reklamo ni Misamis Occidental Rep. Henry Oaminal kung bakit hindi nabigyan ang Mayor Hilarion Ramiro Medical Center ng tulong pinansyal kahit na ito ay may mga hawak na COVID-19 patients.

Paliwanag ni Garma na kulang na ang pondo ng PCSO dahil sa pagtigil ng mga laro ng ilang buwan bunsod ng ipinatupad na COVID-19 lockdown.

Paliwanag nito na mayroong 14 na local government units at 82 hospitals sa buong bansa ang nabigyan na nila ng tulong pinansiyal.