-- Advertisements --
Nakatanggap ang Philippine Sports Commission (PSC) ng P2.145,110.47 mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Tinanggap ni PSC cashier Marini Negado ang tseke mula kay PCSO private secretary 2 Marie Louise Serojales ang unang remittance ngayong taon.
Sinabi ni Serojales na kahit ngayong panahon ng COVID-19 pandemic ay tuloy pa rin ang pagtulong nila sa PSC.
Nakasaad kasi sa Republic Act 6847 na dapat mag-remit ang PCSO ng 30 percent ng charity fund at mga kita ng anim na sweepstakes lottery draws kada taon sa sports agency na gagamitin para sa development programs ng PSC.
Ilan sa mga tinatawag na grassroots programs ng PSC ay ang Batang Pinoy, Philippine National Games, Children’s Games at Indigenous People’s Games.