-- Advertisements --

Inilunsad na ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang kanilang bagong electronic lottery o kilala sa tawag na E-Lotto.

Layun nito na makasabay sa patuloy na pag-usbong ng teknolohiya sa bansa.

Personal na iprinisinta ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang naturang digital version ng traditional na lotto.

Sa isang pahayag, sinabi ni Robles na dahil sa E-Lotto ay maaaring mapabilis ang transaksyon o pagtaya sa lotto.

Sa naturang platform ay malaya pa ring makakapili ng lucky numero ang mga bettors at manalo ng mga prizes.

Naniniwala naman ang opisyal na magdudulot ito ng dagdag kita sa PCSO na kadalasang ginagamit nila para sa mga charity program sa mga nangangailangan ng tulong.

Sa ngayon ay available na ang application o apl na naturang digital lotto.

Tatagal naman ng isang taon ang test run nito ng sa gayun ay mapag-aralan kung magiging epektibo ang platform na ito.