-- Advertisements --

Nasa P7 billion ang nalugi sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) matapos ang tigil operasyon ng mga lotto dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma na labi ang pagkalugi ng ahensiya mula ng ipatupad ang lockdown.

Mayroon lamang 15% ang kita nila mula ng bumalik ang mga lotto operations noong Agosto 7.

Umaasa naman ito na maraming mga Filipino pa ang tatangkilik sa pamamagitan ng pagtaya.