Matutulungan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mas maraming mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng mas mataas na kontribusyon sa Universal Health Care (UHC) kung ibababa sa 10 porsiyento ang documentary stamps tax (DST) rate ng ahensya.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Junie Cua, ang pagbabawas ng documentary stamps tax rate sa 10 porsiyento mula sa kasalukuyang 20 porsiyento ay magbibigay-daan sa ahensya na itaas ang mga kontribusyon nito sa Universal Health Care ng 170 porsiyento, o P2 bilyon, mula sa inaasahang P1.25 bilyon hanggang halos P3.4 bilyon sa taong ito.
Aniya, ang naturang ahensya ay maaaring mag-ambag ng P3.3 bilyon at P4.4 bilyon kung ang ocumentary stamps tax rate ay 10 porsiyento lamang at 5 porsiyento.
Kaugnay niyan, P2 billion ang maaaring pondohan ng 769,230 hemodialysis session para sa mga indigent diabetic na pasyente, kung isasaalang-alang na ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) coverage rate bawat session ay PHP2,600.
Ang parehong halaga ay maaaring makatulong sa 125,000 indigent na mga pasyente na may malubhang dengue o iba pang malubhang karamdaman.
Una na rito, ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO o PCSO ay may inaasahang P53.23 bilyon sa kabuuang retail na resibo para sa 2023.