-- Advertisements --

CEBU CITY – Aabot na sa kabuuang 2,462 na mga Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) outlet ang naisara ng Police Regional Office (PRO)-7 sa Central Visayas.

Ito’y matapos na mismong si PNP Chief Oscar Albayalde ang nanguna sa pagpasara ng mga small town lottery (STL) sa Baguio City matapos inutos ni Presidente Rodrigo Duterte na itigil ang lahat ng lotto activities ng PCSO dahil sa umano’y kurapsyon.

Pinakamarami sa mga naisara ay ang STL at Peryahan ng Bayan.

Pinakamalaking bilang ang sa Negros Oriental na may 911 outlets na naisara, pumangalawa ang Cebu Province na may 633, habang sumunod naman ang Bohol na may 530.

Samantalang sa Siquijor naman, may 73 outlet ang naisara at 133 sa Cebu City.

May 130 outlets din na naisara sa Mandaue City, at 52 sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ayon kay P/Cpt. Jun Tabigo-on na pagkatapos ng mandato ay agad nilang nilibot ang kanilang area of responsbility at sinigurong ang mga kanyang mga tauhan mismo ay hindi nauugnay dito.

Pinaaalahan din umano nila ang mga nag-ooperate na susunod sa kautusan dahil hindi sila titigil sa pagmo-monitor.