-- Advertisements --

Plano ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na bawasan na ang buwis sa mga premyo ng kanilang lotto.

Sa isinagawang public hearing sa Senado, sinabi ni PCSO Chairman Junie Cua , na nais nilang gawin ng 10 percent na lamang mula sa dating 20 percent ang ibabawas sa mga nananalo ng Lotto.

Dagdag pa nito na karamihan kasi sa mga tumataya ay mga mahihirap.

Bukod sa PCSO ay hiniling din ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na gawing tax-exempted na rin ang mga panalo sa casino dahil ito ay maituturing na unexpected profit.