Kinumpirma Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maging libre na ang pagpapa-ospital ng mga Pilipino lalo at sasagutin na ng PCSO ang professional fees ng mga doktor.
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag matapos ang pakikipagpulong nito kina PSCO General Manager Melquiades Robles at Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Hector Santos Jr., nitong Miyerkoles sa tulong Deputy Majority Leader for Communications at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo.
Kasama rin sa pulong sina House Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, at ACT-CIS Edvic Yap.
Sabi ni Robles kay Speaker Romualdez na target nilang matapos sa katapusan ng Oktubre ngayong taon ang pamamaraan para sa pagpapatupad ng pagsasama ng professional fee.
Sinabi ni Robles na mayroong iba’t ibang tulong medikal na ang maaaring makuha ng mga mahihirap na Pilipinong may sakit, kasama dito ang mula sa PhilHealth at Department of Social Welfare and Development (DSWD) o kaya naman ang programang Financially Incapacitated Patients (MAIFIP).
Sa kabila nito, sinabi ni Robles na marami pa ring pasyente ang nahihirapan na mabayaran ang professional fee ng mga doktor at dito umano makatutulong ang bagong programa ng PCSO.
Ipinangako naman ni Speaker Romualdez na ipagpapatuloy ang pagsulong ng mga programa upang mas maging maayos ang health care system ng bansa.