-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong swindling at estafa ang babaeng nangulimbat ng pera sa mga biktima gamit ang pangalan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa JR Borja, lungsod ng Cagayan de Oro.
Kinilala ang suspek na si Hermolina Satorre, 56, na taga Poblacion Maigo Lanao del Norte.
Sinabi ni Cogon Police Station Commander PCpt. Ernesto Sanchez, una nang nakakuha ng P69,000 ang suspek sa biktima ngunit nang muli itong humingi ng karagdagang P5,000 ay inilunsad na ang operasyon.
Ayon kay Sanchez, nanghihingi ang suspek ng pera sa mga biktima nito para umano sa pagproseso sa napanalunang pera mula sa PCSO.