-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si Philippine Commission on Women (PCW) chair Rhodora Bucoy.

Kinumpirma ito ng PCW at kanila ring nilinaw na hindi siya sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte gaya ng mga kumalat na balita.

Noong Oktubre 2016 ng italaga ng pangulo si Bucoy na pangasiwaan ang ahensya na ang adbokasiya nito ay ang pagpapalakas ng gender equality at women empowerment.

Dagdag pa ng ahensiya na sa ngayon ay wala pang napipili ang pangulo kung sino ang ipapalit nito sa nasabing puwesto maging sa tatlong commissioners na naunang nagresignd.

Noong November 2019 ay nahalal si Bucoy na mag-review sa United Naton’s resolution adavancing women’s right.