-- Advertisements --

Uusad na simula sa Pebrero 11, 2020 ang 15 bilang ng graft at isang plunder case ni dating Senate President Juan Ponce Enrile at mga kapwa nito akusado sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Ito’y makaraang lumagda na si Enrile sa pre-trial order (PTO) nang humarap ito kanina sa Sandiganbayan Third Division.

Una rito, nagkaroon na ng pre-trial conference at marking of evidence ang panig ng prosekusyon at depensa.

Maliban sa 95-anyos na dating pinuno ng Senado, akusado rin sa kaso ang dati nitong chief of staff na si Gigi Reyes at ang binansagang pork barrel scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Pero hindi pa nakapirma si Napoles sa PTO dahil sa isyung may kinalaman sa kaniyang kalusugan.