-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Nasa kustodiya sa ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 ang cocaine na narekober na sa isang container yard sa Malok, Brgy. Labangal nitong lungsod ng Heneral Santos.

Ayon kay PDEA 12 Spokesperson Kath Abad na ito ay nagkakahalaga ng P2.6 million nasa 500 grams ang bigat.

Ito ay isinilid sa aircon compartment ng 20-footer container van.

Sa ngayon patuloy pa ang imbestigasyon kung sino ang may ari ng nasabing cocaine.

Pero naniniwala si PDEA 12 Director Naravy Duquiatan, na hindi para sa GenSan ang naturang shipment.

Ayon sa kanya na nagsilbing transhipment point sa container van ang lungsod mula sa Singapore.

Napag-alaman rin na bago nakarating sa GenSan ang naturang container van ay dumaan pa ito sa Davao City.

Sinasabi na 60 na mga container van ang dumating sa nasabing container yard para ipaayos.

Habang hindi na nagbigay ng pahayag ang empleyado ng container yard kaugnay sa naturang insidente.