-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Hinihikayat ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 6 (PDEA-6) sa Western Visayas ang mga commercial establishment sa lalawigan ng Aklan lalo na sa isla ng Boracay na magkaroon ng drug-free work place.

Sa interview ng Bombo Radyo, sinabi ni PDEA-6 Spokesperson David Garcia, ang hakbang ay bilang pagsunod sa inilunsad na programa kamakailan kaugnay sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Layunin nitong maging katuwang ng pamahalaan ang mga establisimento upang maiwasan ang ano mang illegal drug activities sa kanilang nasasakupan.

Sinabi pa ni Garcia na maliban sa pagturo sa mga empleyado sa masamang epekto ng iligal na droga ay magsasagawa rin ng random drug testing sa mga personnel, pagpa-rehabilitate at pagpapagamot sa mga empleyadong nag-positibo sa droga at monitoring at evaluation ng drug-free workplace program.

Nakadepende aniya sa lokal na pamahalaan ang pagpatong ng parusa sa sino mang private establishments na bigong makasunod sa mandato ng PDEA.