-- Advertisements --

Tiniyak ngayon ang Philippine Drug Enforcement Agency-7 na magsagawa sila ng malawakang imbestigasyon sa lumalawak na drug trade sa rehiyon.

Ito’y kasunod ng pagkasabat ng limang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P34 million na shabu noong Lunes, Setyembre 9, sa Tagbilaran City.

Nakilala ang 42 anyos nga suspek na si Robert Tiro.

Inihayag ni PDEA-7 spokesperson Leia Alcantara, na ang pagkakaaresto kay Tiro ay follow-up operation sa pamangkin nitong si Mark Niño Caliniahan na nahuli sa hiwalay na operasyon sa Lapu-Lapu City noong nakaraang buwan kung saan nasabat ang P13.6M na halaga ng shabu.

Sinabi pa ni Alcantara na ang pagkasabat ng bulto-bultong droga ay isa pa umanong ‘positive development’ para sa mga otoridad dahil napigilan ang posibleng pagkalat pa nito sa iba’t ibang lugar.

Aniya, mas mahihirapan pa umano sila kapag nahati-hati na ito.

Isa pa sa kanilang pinaniniwalaan na kagaya ng Cebu, ay mayroon ding market ng shabu ang Bohol at nagsilbing transshipment site sa pagtransport ng droga gayunpaman, patuloy naman umano ang kanilang imbestigasyon.