KORONADAL CITY- Hindi na naisalba pa ng buhay ang isang PDEA-ARMM Agent matapos ang nagyaring aksidente sa bayan ng Upi, Maguindanao.
Ayon sa Upi PNP, kinilala ang biktima na si Aljhun Carim nasa legal na edad at residente ng Kalamansig, Sultan Kudarat.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na binangga ng isang light truck ang motorsiklo ng biktima habang binabaybay ang kahabaan ng Barangay Kuya sa bayan ng Upi.
Napag-alaman na nakatakda sanang ikasal ang biktima sa fiancée nito sa darating na Miyerkules, Abril 17.
Kaugnay nito, labis din ang pagdadalamhati ng pamilya ng biktima lalong lalo na ang kanyang nobya.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP ang driver ng truck na si Joel Jardin, isang barangay official ng Barangay Romongaob, Upi at nakatakdang nang sampahan ng kaukulang kaso.
@