Nilagdaan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Deed of Grant of Usufructuary Rights kasama ang City Government ng Iloilo para sa paggamit ng nasa 1,055 square meter parcel of land bilang potential site sa pagtatayo ng bagong regional office ng ahensiya sa Western Visayas.
Sa isang virtual ceremony nuong Lunes, January 17, 2022, pormal na pinirmahan nina PDEA Director General wilkins Villanueva at ni Iloilo City Mayor Jerry TreƱas ang Usufruct Agreement kaugnay sa lupa na matatagpuan sa Barangay Sooc, Mandurriao,Iloilo City.
Nagpasalamat naman si Villanueva sa Iloilo City Government sa kanilang kabutihang loob na pumayag para makapagpatayo ang ahensiya ng kanilang regional office sa lugar.
Siniguro naman ni Villanueva na gagawin nila ang kanilang makakaya na maging good stewards sa nasabing property at para mabigyan na rin ng quality service ang lahat ng mga Ilonggos.
Samantala, binigyang-diin naman ni Villanueva na mas palalakasin pa nila ang kanilang kampanya laban sa illegal na droga.
Una ng inilabas ng ahensiya ang kanilang top 10 anti-illegal drug operations kung saan kalahati sa nasabing operasyon ay kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.