-- Advertisements --

Naging maingat na ang PNP at PDEA para hindi na sila muling magkasagupa.

Ito ay muntik na namang nagkasagupa sa isang mall parking lot sa Fairview, Quezon City ang mga kasapi ng PDEA Region 4A at ang mga Quezon City Police District.

Sinabi ni QCPD director B/Gen. Antonio Yarra, na nangyari ang muntikan ng engkuwentro nila ng PDEA ng hinihintay ng mga PNP operatives ang kanilang target sa nasabing lugar.

Nagduda ang mga PDEA agents sa mga kilos ng mga kapulisan kaya agad nilang dinis-armahan ang mga kapulisan matapos na magpakilala ang mga ito.

Nagtungo naman sa lugar si Lt. Col. Richard Ang, ang hepe ng Station 4 at kinausap ang regional director ng Region 4A.

Naging mapayapa naman na nakaalis ang mga dalawang grupo ng mg operatiba matapos na maberipika ang bawat isa.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag ang PDEA sa nangyaring insidente.

Magugunitang noong Pebrero ay nagkaroon DIN ng engkuwentro ang PDEA at kapulisan sa Commonwealth Avenue, Quezon City na nagresulta sa pagkakasawi ng dalawang pulis.