-- Advertisements --

Kinumpima ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na haharap kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong hapon ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para pag-usapan ang isyu ng “ninja cops.”

Ang “ninja cops” ay mga tiwaling pulis na sangkot umano sa pagre-recycle ng ipinagbabawal na gamot mula sa kanilang mga nakukumpiska sa operasyon.

Ayon kay Go, dismayado ang Pangulo sa pagkakakaladkad muli ng ilang tauahn ng PNP sa nasabing isyu.

Nais raw ng chief executive na magkaroon ng cross validation ang iba’t-ibang ahensya para matiyak na tama ang nakalagay sa listahan ng “ninja cops” at magawan ng nararapat na aksyon.

Dati nang naglaan ng pabuya ang Pangulo para sa makakadakip sa mga tiwaling pulis na sangkot sa iligal na droga.

Ang isyu ng ninja cops ay naungkat matapos magbigay ng salaysay sa Senate hearing si dating CIDG chief at ngayon ay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.