BAGUIO CITY – Naniniwala ang Philipppine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera na ginagamit ng mga bigtime drug personalities ang siyudad ng Baguio bilang recreation area.
Ayon kay Edgar Apalla, namumuno ng PDEA-Cordillera na ginagamit umano ng mga ito ang Baguio dahil isa ito sa mga pangunahing kalsada na papunta sa iba’t ibang lugar sa rehiyon Cordillera.
Sinabi niya kadalasan sila ang nagtitinda ng mga iligal na droga gaya ng marijuana at shabu.
Dagdag niya na aabot na sa 179 katao ang nahuli nila dahil sa iligal na drioga muala Enero hanggang Mayo 2019.
Samantala, ayon naman kay P/Brig. Gen. Ephraim Dickson, pinuno ng Cordillera PNP, isa ang Baguio sa mga hindi nila mino-monitor lalung lalo na sa mga pumapasok sa syudad.
Tiniyak niya na ang mahigpit na monitoring ng dalawang ahensya sa lokalidad sa nasabing pagpasok ng mga iligal na droga.