-- Advertisements --

Ginugunita ngayong araw ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM ang ika-22 anibersaryo nito sa patuloy na serbisyong publiko sa pamamagitan ng pagsugpo sa iligal na droga sa buong BARMM region.

Naging panauhin sa selebrasyon ng ahensya si Mayor Para Sa Lahat Bruce Matabalao, ang bagong talagang CCPO Dir. PCol. Joel Estaris, at si Fiscal Mariam Mastura.

Nasungkit naman ng ahensya ang parangal na š—•š—²š˜€š˜ š—„š—²š—“š—¶š—¼š—»š—®š—¹ š—¢š—³š—³š—¶š—°š—² ng PDEA National Office.

Bilang parte ng selebrasyon, gagawaran rin ng ahensya ng parangal ang mga top performing officials at partners sa patuloy nitong pagsuporta sa mandato at mga layunin ng ahensya. Isa na dito, ang paggawad ng monetary reward sa isang ahente na tumulong sa matagumpay na drug buybust operation sa Sulu.