-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Target umanong patayin ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) sa lungsod ng Cotabato.

Ito mismo ang kinumpirma ni PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin.

Marami umanong nasagasan kasi na mga politiko at high value target ang PDEA-ARMM sa kanilang mga anti-drug operation.

Dagdag ni Azurin na nagbayad umano ng malaking halaga ang mga narco-politician at mga drug traffickers para silay patayin lalo ang kanilang mga operatiba.

Pinag-iingat ngayon ni Azurin ang kanyang mga tauhan laban sa assassination plot ng mga grupo at politiko na sangkot sa illegal drug trade.