-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 5 ang magandang koordinasyon sa Police Regional Office 5 (PRO5) sa implementasyon ng anti-illegal drugs campaign.

Ito ay sa kabila ng tensyon sa national level dahil sa paglabas ng isyu sa ‘ninja cops’.

Pagbabahagi ni PDEA Bicol Director Christian Frivaldo sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, tinitiyak ng dalawang panig sa regional level na maayos ang ugnayan sa komunidad sa tulong lokal na pamahalaan.

Nagkausap rin umano ni PBGen. Arnel Escobal sa pagbabantay sa ranks at sa dapat na function sa law enforcement duties.

Maging sa pagsasampa ng kaso, aminado si Frivaldo na mahigpit ang hakbang ni Escobal bilang abogado upang hindi na mauwi sa dismissal ng reklamo ang pinaghirapan.

Mula sa proseso ng inventory sa mga nakukumpiska hanggang sa huling report, copy-furnished umano ang mga ahensyang katulong sa operasyon.

Dagdag pa ni Frivaldo na partners sila ng PNP at hindi apektado ang nasabing relasyon ng ano mang nangyayari sa national level.