LEGAZPI CITY – Ipinapanukala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 5 na ipagkatiwala sa pangangalaga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang provincial, city at municipal jails.
Ito ay upang mas mapangasiwaan at mabantayan umano ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PDEA Bicol Director Christian Frivaldo, ibigay na lang umano ng lokal na pamahalaan sa expertise ng BJMP ang pangangasiwa sa mga jail facility lalo na’t gamay ng mga personnel ang paghawak sa mga ito.
Naniniwala si Frivaldo na mabibigyan agad ng aksyon ang mga isyu sa pasilidad kagaya ng illegal drugs kung BJMP ang hahawak.
Dagdag pang bawas na sa problema at iisiping gastos ang lokal na pamahalaan kung magkataon.