BUTUAN CITY – Suspendido na preventively ang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-Caraga matapos itong malusutan ng warrant of arrest dahil sa mga kasong kidnapping and serious illegal detention at robbery with force upon things.
Ang suspetsadong si Philip Eumar Piñero ay kinasuhan matapos umano nitong sapilitang dinala ang isang babaeng nai-ugnay noon sa kasong illegal drugs ngunit na-cleared na ng korte.
Naganap umano ang sapilitang pagdala ng drug personality sa bisinadad ng Hall of Justice ng Butuan City kungsaan inalegahan pa ang PDEA agent na kumuha sa malaking pera na nasa u-box sa dalang motorsiklo ng babae.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PDEA-Caraga spokesperson Dindo Abellanosa na inilipat na sa Butuan City Jail ang nasabing agent na nahaharap na rin ngayon sa kasong administratibo.