-- Advertisements --
Itinanggi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino ang alegasyon ni dating police official Eduardo Acierto na pinoprotektahan nila ang dating presidential economic adviser Michael Yang na isinasangkot sa iligal na droga.
Sinabi ni Aquino na ang alegasyon ni Acierto ay walang basehan at isang kasinungalingan.
Dagdag pa nito na malinis ang kaniyang konsensiya at handa nitong harapin ang anumang imbestigasyon para malinisan ang pangalan.
Magugunitang ibinunyag ni Acierto na pinoprotektakhan nina Aquino, Pangulong Rodrigo Duterte, dating PNP chief Ronald “Bato” Dela Rosa at Bong Go si Yang sa mga iligal na aktibidad nito.