Kwestiyunable para
Aminado si PDEA Director General Aaron Aquino na siya ay nadismaya sa ulat na binigyan ng executive clemency ang apat na Chinese drug lords at pinalaya dahil Good Conduct Time Allowance (GCTA) policy.
Sa isang press statement na inilabas ng PDEA, sinabi ni Aquino na kwestiyunable ang pagpapalaya sa mga Chinese drug lords.
Ayon kay Aquino ang PDEA ay hindi basta-basta na lamang sumang-ayon sa mga ibinabang desisyon ng alinmang institusyon sa pamahalaan na nagbibigay ng kahalagahan lalo na sa effort ng gobyerno para labanan ang problema sa iligal na droga.
Sinabi ni Aquino, hiningan sila ng comment ng Board of Pardons and Parole (BPP) sa pamamagitan ng isang sulat nuong January 14 kaugnay sa posibleng pagbibigay ng executive clemency sa ilang piling personalidad na nakakulong dahil sa kasong illegal drugs.
Ibinunyag ni Aquino na batay sa kanilang sagot sa sulat ng BPP na may petsang February 13, hindi nito pinaboran ang pagbibigay ng executive clemency sa 13 personalities kabilang ang Chinese nationals na sina Pang Ho, Wu Hing Sum, Chan Chit Yue at Kin San Ho dahil sa bigat ng kanilang kasalanan.
Sinentensiyahan ng reclusion