Mariing itinanggi ni PDEA Director Gen. Isidro Lapeña na nanggaling sa kanila ang mga larawan ng mga nakahubad na inmates sa loob ng Cebu Provincial Jail.
Ayon kasi sa amnesty international ay lantarang paglabag sa karapatang pantao ng mga preso ang ginawang paghuhubad sa mga ito.
Pahayag ni Lapeña na ang mga leaked photos ay maaring nanggaling sa mga jail guards na sadyang hindi tinimbrehan sa operasyon, upang i-discredit ang anti-illegal drug operations ng pamahalaan.
Nasa 68 bladed weapons, 80 cellphones, 1laptop at 19 medium packs ng shabu na nagkakahalaga ng P100,000 ang nakumpiska ng mga autoridad sa naturang raid.
Samantala, ipinagtanggol ni Lapeña ang ginawang aksyon ng Ground commander sa isinagawang raid sa Cebu provincial jail kamakalawa.
Ayon pa rito ay hakbang ay diskresyon ng ground commander upang matiyak na hindi mauwi sa madugong scenario ang ginawang surprise raid ng PNP kasunod ng mga ulat na laganap ang kalakalan ng illegal na droga sa piitan.
Paliwanag ni Lapeña nasa 3,600 ang inmates na kailangang i-secure ng 280 members ng raiding team at kung isa man sa mga ito ay biglang maglabas ng concealed weapon at manlaban, pihadong pagsisimulan ito ng gulo na maaring humantong sa mass slaughter.