Kinumpirma ni PDEA Director Gen. Wilkins Villanueva na tumaas ang kaso ng drug trafficking trend sa bansa gamit ang mga delivery courier services na siyang ginagamit ngayon ng mga sindikato para sa pag transport ng kanilang mga iligal na droga.
Dahil dito ang mga inosenteng drivers na siyang tumanggap ng delivery services ay nagiging courier na ng iligal na droga ng hindi nila namamalayan.
Sinabi ni Villanueva ang paggamit ng delivery service platforms para mai transport ang mga kontrabando ay siyang trend at modus ng mga drug syndicate para tuloy pa rin sa pamamayagpag ang kanilang illegal drug trade.
Ito kasi ang nakikita nilang mabisang paraan sa pagtransport ng mga droga para hindi agad agad mahuli.
Dagdag pa ni Villanueva karamihan sa mga nahuhuli nila sa anti-illegal drug operations ay mga drivers ng delivery courier services.
Dahil dito, lumagda ng isang memorandum of agreement (MOA) ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Wallstreet Courier Services Incorporated o mas kilalang bilang Ninja Van.
Layon nito para tugunan ang problema sa drug trafficking trend kung saan ginagamit ang mga delivery courier services.
Sa isang simpleng ceremonya kahapon June 15,2021 pinangunahan ito ni PDEA Director General Wilkins M. Villanueva at Mr. Martin Cu, Country Head ng Wallstreet Courier Services Incorporated.
Ang ninja van ay isang technology company na nag-ooperate sa pamamagitan ng mobile and web application kung saan may mga accredited drivers sa mga consumers na kailangan ang kanilang delivery services sa ilang lugar sa bansa.
Sa nasabing MOA, nagkasundo ang PDEA at Ninja van na magkaroon ng close coordination sa isat isa, magbigayan ng mga impormasyon para labanan at matigil na ang pagbiyahe ng mga dangerous drugs, or controlled precursor and essential chemicals (CPECs).
Kapwa nangako ang dalawang partido na magtulungan para maiwasan at mapigilan ang express delivery, o transportation ng mga packages na naglalaman ng illegal drugs or CPECs sa Philippine territory, kabilang dito ang pagkuha ng mga impormasyon, pag monitor samga suspected drug trafficking activities.
Bago pa ang MOA signing sa ninja van, nakipag partner din ang PDEA sa iba pang domestic courier companies para tulungan sila na mahuli ang mga packages na naglalaman ng illegal drugs at para maiwasan itong maideliver.
Binigyang-diin ni Villanueva na ang pagkakaisa ng lahat at pagtutulungan sa ibat ibang stakeholders ay malaking tulong sa kanilang anti-drug campaign.