-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Wilkins Villanueva.

Sinabi nito na nitong Sabado ng sumailalim ito ng swab test sa Chinese General Hosptial and Medical Center at ng lumabas ang resulta kinabukasan ay nagpositibo ito.

Humingi na ito ng paumanhin sa mga taong nakasalamuha niya at pinayuhan ang mga ito na mag-ingat na lamang.

Naghahanda si Villanueva sa pagharap nito sa pagdinig ng senado sa naganap na ‘misencounter’ ng PDEA at PNP.