-- Advertisements --

Hindi umano dapat mabahala ang pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kakulangan ng mga tauhan ngayong sila na ang lead agency para pangunahan ang operasyon laban sa iligal na droga.

Ayon kay PNP spokesperson C/Supt. Dionardo Carlos, walang dapat ipag-alala ang PDEA dahil nakahanda naman daw ang PNP na magbigay suporta lalo na kung kakailanganin ang kanilang pwersa.

Sinabi ni Carlos, malinaw sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang PNP ay tutulong sa PDEA kung hihilingin ang kanilang suporta.

Pero sa ngayon, ang pagkakaloob muna ng mga intelligence information ang magiging papel ng PNP sa pangunguna ng PNP Drug Enforcement Group.

Batay sa tala ng PDEA nasa 1,800 lang ang kanilang personnel sa buong bansa.