-- Advertisements --
Ikinadismaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagpapalaya ng apat na Chinese inmates na na-convict sa drug trafficking.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, na ang mga suspek na sina Wu Hing Sum, Kin San Ho at Pang Ho y Wai ay nauna ng nahatulan ng life imprisonment dahil sa paglabag ng batas kontra sa iligal na droga.
Dagdag pa nito na tila hindi sila naniniwala sa naging desisyon ng Bureau of Correction dahil tila taliwas ito sa matinding kampanya ng gobyerno kontra sa iligal na droga.
Magugunitang ibinunyag ni Senator Panfilo Lacson na nakalaya sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, and Wu Hing Sum dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.