-- Advertisements --

Ikinalungkot ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagkasawi ng kanilang kasamahan sa drug buy-bust operation sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino na mabigat sa kanilang opisina ang may nalalagasan tuwing nagkakaroon ng anti-drug operations.

Kinilala ang nasawi na si PDEA agent Jack Ronald Bastatas habang sugatan si Police Cpl. Richie Janeo ng Regional Drug Enforcement Unit ng Zamboanga Peninsula.

Sa imbestigasyon ay nanlaban ang mga target ng operasyon kung saan napatay ang 3 kilalang tulak ng droga na sina Ibrahim Cula, Janjan Mauli at Absar Cula.

Nakuha sa operasyon ang 50 gramo ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P340,000.