-- Advertisements --
Inaalam na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kasamahan ng naarestong suspek na may dalang limang kilo na shabu na nakumpiska sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.
Sinabi ni PDEA agent Gerald Javier at deputy commander ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group na posibleng kaanib ang suspek sa tinaguriang “Golden Triangle” syndicate.
Una nang naaresto ang suspek na si Nazarene Obillo na mula sa Cambodia ay dumating sa bansa nitong nakalipas na weekend sa pamamagitan ng connecting flight sa Hanoi, Vietnam.
Ayon sa PDEA na matagal na nilang binabantayan ang galaw ng grupo na siyang responsable sa pagsusuplay ng droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa.