Inamin ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bagsak presyo ngayon ang presyo ng shabu sa bansa.
Ayon kay PDEA Director Derrick Arnold Carreon, na ngayon ay nasa P 1, 400 pesos na lamang ang kada gramo ng shabu.
Ito ay mula sa pinakamataas na presyong nuon na nasa P6, 800 pesos kada gramo.
Sinabi ni Carreon na ang pagbagsak ng presyo ng iligal na droga ay resulta ng sunod sunod na Test buy na ginagawa ng kanilang mga tauhan.
Aniya, bumagsak ang presyo ng Shabu kasunod ng pagpasok ng mga Bilyon Bilyong pisong halaga ng Shabu na nakasilid sa mga Magnetic Lifters.
Giit ni Carreon na napatunayan sa kanilang Laboratory Test sa mga nakukumpiska nilang shabu mula sa Luzon hanggang sa Maguindanao ay kahalintulad ng laman ng Magnetic Lifter na nakumpiska sa Manila International Container Terminal sa Maynila.