Ipinagmalaki ng Philippine Drug Enforcement Agency ang kabuuang ₱56.37-billion na halaga ng mga ilegal na droga na kanilang nakumpiska sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa ahensya, ang naturang bilang ng mga ipinagbabawal na gamot ay nasakote mula sa mahigit 97,000 anti-drug operations.
Ito ay mula Hulyo 1, 2022 hanggang katapusan ng buwan ng Enero ngayong taon.
Pinakamarami pa rin ang bilang ng nakumpiskang shabu na umabot sa higit 7,000 kilograms.
Sinundan ito ng cocaine na mayroong 89.19kgs, ecstacy na aabot sa 121,022 piraso at marijuana na pumalo sa 6,247 kgs.
Umakyat naman sa mahigit 131,000 indibidwal ang naaresto ng PDEA habang 8,404 dito ay pawang mga high value targets.
Kaugnay nito ay sumampa na sa mahigit 29,390 ang mga barangay sa buong bansa na naideklarang drug free.