Pinabulaanan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at tinawag na peke ang isang advisory na kumakalat online na nagbabala laban sa pagkonsumo ng “Assam Black Tea” products na nagpositibo umano sa cannabis alkaloids.
Ang paglilinaw na ito ng PDEA ay nag-ugat matapos na kumalat sa internet ang isang advisory kung saan nagbabala umano ang ahensiya sa kanilang personnel laban sa epekto ng isang partikular na brand ng milk tea product na naglalaman ng psychoactive substances na matatagpuan sa cannabis sativa plant o mas kilala bilang marijuana.
Nilinaw ng ahensiya na walang nilalagdaang ganitong dokumento si PDEA director general Moro Virgilio Lazo.
Ang umano’y lagda sa naturang advisory ay isang X mark dahil ang intesniyon nito ay maipakalat ito tanging sa loob lamang ng PDEA kaugany sa One Strike Policy ng ahensiya sa kanilang personnel na hindi pumasa sa regular mandatory surprise drug tests.
Paliwanag pa ng ahensiya na bagamat tungkulin ng Food and Drug Administration na tiyaking ligtas ang mga pagkain at beverages at hindi sa PDEA maigting pa ring makikipag-tulungan ang drug enforcement agency at magsusumite ng findings nito sa proper authorities kaugnay sa isyu.