-- Advertisements --
DAVAO CITY – Kinumbinsi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga Secondary Schools sa pagpapasailalim sa random drug test sa kanilang mga estudyante.
Una nang inihayag ni PDEA-11 Assistant Regional Director Atty. Ben Joseph Tesiorna ang Ateneo De Davao University nagkompirma na magsasailalim ito sa random drug test.
Dagdag pa ni Tesiorna na kung nakasulat sa student hand book ang pagsasagawa ng random drug test di dapat mag-alanganin ang mga paaralan.
Binigyang linaw ng PDEA na mahalag na mapasailalim sa drug test ang mga estudyante dahil maraming mga kabataan sa ngayon ang medaling ma-engganyo sa pagtikim ng druga at magtutulak nito dahil sa laki ng pera na maaring kikitain.