-- Advertisements --

May isinasagawa ng imbestigasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkakahuli ng ilan nilang sasakyan na dumaan sa EDSA Busway.

Nadiskubre pa ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na ang driver ng van na kanilang naharang ay nagtataglay ng pekeng lisensiya at hindi rehistrado ang sasakyan.

Giit ng driver na kaya sila dumaan sa EDSA Busway dahil ito ay kanilang bahagi ng operasyon.

Maging ang kasamahan nito na naka-motorsiklo ay tiniketan din ng SAICT.

Tiniyak naman ng PDEA na kanilang iimbestigahan ang nasabing insidente kung saan maaring masibak sa puwesto ang mga sangkot na tauhan nila.